Ang isa sa nagingmotivation ko sa pagkandidato bilang konsehal ng BAYAN NG LOPEZ, QUEZON ay ang naisulat ng aking idolo sa panulat na si G. AL G. PEDROCHE ng Pilipino Star Ngayon noong nakaraang 26 ng Nobyembre 2009. Ang kanyang mga salitang tinuran at isinulat ay :
“ kung may PRINSIPYO kang IPINAGLALABAN kagaya ng MATUWID na pamamahala na walang bahid ng CORRUPTION, maganda ring SUMIGI ka sa ADHIKAIN kahit puro laway ang puhunan. Sa ganyang labanan , HINDI lang naman ang PANALO ang mahalaga kundi pagtindig sa TAMA at MALI”
Ako ay naniniwala sa kanya bagaman kailangan ng pera, subalit hindi lang dito umikot ang mundo may DIYOS pa rin tayong pumapatnubay sa bawat isa sa atin.
TAAS NOO pa rin ako sa paniniwala na ang BAYAN NG LOPEZ at ang mamayan nito at may angking PRINSIPYO at TALINO upang makapagpasya ayon sa kalooban ng DIYOS at ng kanyang sariling pagpapasya.
TULOY ang laban para sa TUNAY na BOSES NG KABATAAN!
Saturday, November 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment